Pages

Siya Tunay Mo Anak

Dying Chinese: Ako lapit na patay. ikaw sabi totoo kung sino ama ng bunso natin kasi pangit siya kumpala sa 9 kpatid nya.
Wife: Siya lng tunay mo anak!

Kailangan manulak?

STUDYANTE: Lord, sana po hindi ako malate ngayon. Pabilisin nyo po sana ang lakad ko.
(Nadapa ang studyante)
STUDYANTE: Lord, excited? Kailangan manulak?

Pahingi ng Pinya

Juan: Oys, ano yan? Pinya? Pahingi naman dyan.

Pedro: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa dadaanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka?

Juan: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!

Pedro: Ganun ba? Kuha ka na, kahit ilan! May langka pa doon!

Blank Paper

Si Juan, nagpasa ng blank paper sa art teacher

Teacher: Bakit blank ang work mo?

Juan: Nagdrawing po ako ng baka at damo.

Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo?

Juan: Ubos na po,kinain ng baka.

Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka?

Juan: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo? syempre umalis na po. Common sense naman mam!

NOEL, NINO, AT TOTO

N0EL: ippangalan ko s aking anak “LE0N” baliktad ng N0EL.

NIN0: skin “0NIN” baliktad ng NINO.

T0T0: wag nyo akong maisali-sali jan sa usapan nyo!

Dalawang bingi

Bingi 1: Mamalengke ka?
Bingi 2: Hindi, mamalengke ako.
Bingi 1: Ah, kala ko mamamalengke ka.

Patayin yung mga magaganda.

Plano ko sanang patayin yung mga magaganda.
Kaso malaking kasalanan kapag patayin ko ang sarili ko, eh. Kaya di natuloy.